WASHINGTON – Kumamada ng 26 points at 12 rebounds si Bobby Portis at tinalo ng Washington Wizards ang Minnesota Timberwolves, 133-121.

Kapwa nagtapos na may 22 points naman sina Bradley Beal at reserve Jabari Parker para sa Washington.

Si Portis ay nagtapos na 10 for 18 from the field, kabilang na ang tatlo sa anim mula sa 3-point range.

Samantala, si Karl-Anthony Towns naman ang siyang nanguna sa Timberwolves bitbit ang kanyang 28 points, 10 rebounds at pitong assists.

Si Derrick Rose ay mayroon lamang 18 points ngayong araw.