-- Advertisements --
image 299

Suportado ng Philippine College of Physicians (PCP) president ang plano ni Health Secretary Dr Ted Herbosa na mag-hire ng mga hindi lisensiyadong nurse na nakakuha ng markang 70% sa kanilang board exam.

Ayon kay PCP President Dr. Rontgene Solante na competent na aniya ang mga nurse na nakapagtapos at naipasa ang kanilang college years bagamat hindi pa board passers.

Saad pa ni Dr. Solante na ang pagpapahintulot sa mga nursing graduate na magtrabaho sa ospital ay magiging insentibo para sa kanila dahil ang pagsasanay na kanilang matututunan ay makakatulong sa kanila na makapasa sa licensure exam.

Kapag maipatupad aniya ito, dapat na gabayan din ng mga lisensiyadong medical personnel sa mga ospital ang mga nurses kapareho ng pag-mentor sa mga medical students na isang common practice sa naturang field.

Una ng sinabi ni DOH chief Herbosa na makikipagkita siya sa Professional Regulation Commission upang mabigyan ng temporaryong lisensiya ang mga nursing graduates.