-- Advertisements --
image 306

Nakiisa ang Philippine Red Cross sa Red Cross at Red Crescent Societies sa 192 bansa sa pagdiriwang ng World First Aid Day (WFAD) sa pamamagitan ng paglulunsad ng First Aid at Basic Life Support Blended Learning nito sa PRC Logistics and Multipurpose Center sa Mandaluyong City.
Ang paglulunsad ay bahagi ng pinalawig na pagdiriwang kasama ng Red Cross at Red Crescent Movement sa buong mundo.
Ayon kay PRC Chairman at CEO na si Dick Gordon, ang edukasyon sa first aid – na mahalaga para sa mga bata at matatanda ay “one device away” na lamang.
Ang pinaghalong mga programa sa pag-aaral ay nakakatulong na magkaroon ng kasanayan sa first aider sa bawat pamilya.
Nakaayon ito sa tema ng World First Aid Day ngayong taon na “First Aid in the Digital World.”
Kung saan ang mga programa sa pag-aaral ng PRC ay naglalayon na maabot ang lahat, kahit saan, anumang oras, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng digital at face-to-face na mga pamamaraan sa pag-aaral.
Itinampok sa paglulunsad ang isang Digital at Skills Station, kung saan maaaring makaranas ng hands-on sa first aid at basic life support blended learning program ng PRC.
Ipinagmalaki ni PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, ang pinaghalong programa sa pag-aaral bilang isang madali at naa-access na paraan upang matuto, dahil ang digital na bahagi ay self-paced, habang may isang araw na inilaan para sa face-to-face na pagsasanay.
Ang mga programa para sa first aid ng PRC ay kinikilala ng gobyerno at magagamit sa 107 chapters nito sa Pilipinas para sa buong taon.
Mula Enero 1 hanggang Oktubre 15, 2023, nagsanay ang PRC ng 120,570 first aider.
Ang mga sumusunod na programa sa pagsasanay ay inaalok ng PRC sa minimum na bayad:

First Aid at Basic Life Support na may Automated External Defibrillator (AED) Courses
Mga Kursong Pangkaligtasan sa Paglangoy
Mga Kurso sa Pag-iwas sa Aksidente
Teknikal at Pangunahing mga Kurso sa Pagsagip
Mga Kurso sa Emergency Medical Services (EMS)