Tuloy-tuloy lamang daw ang ipatutupad ng pamahalaan na blended learning para sa mga paaralan sa buong bansa.
Aminado kasi si Vice President Sara Duterte na mahihirapan pang makamit ang malawak at mabilis na internet connectivity sa mga paaralan sa buong bansa.
Sinabi pa ng pangalawang pangulo na pangarap ng Department of Education (DepEd) ay mapalakas ang sektor sa pamamagitan ng digitalization lalo na sa learning methods.
Target din nila ang pagpapatupad ng 1 is to 1 ratio sa educational devices o gadgets.
Pero malaking hamon pa rin dito ang mga lugar na hindi naaabot ng signal at mahina ang internet connection.
Dahil dito, mananatili umanong “mixed” o blended ang edukasyon sa bansa.
Ang in-person at offline classes pa rin ang mananatili sa bansa para sa mga paaralan na walang kakayahang mag-upgrade o mag-install ng internet.
Siniguro rin ng bise presidentre na patuloy na magsusumikap ang DepEd na palakasin ang education system, kasabay ng mga pagbabago sa teknolohiya sa panahon ng pandemya.