-- Advertisements --

Itinuturing na magkakaroon ng malakas na line up ang pambato ng Pilipinas na Strong Group sa 33rd Dubai International Basketball Championship na gaganapin sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni coach Charles Tiu, na bukod kay dating NBA star Dwight Howard ay makakasama din ng Pilipinas sina dating Gilas Pilipinas player Andray Blatche, Andre Roberson at McKenzie Moore.

Magsisimula ang nasabing torneo sa darating na Enero 19 sa Dubai, United Arab Emirates.

Dagdag pa nito na isinulong nilang makuha si Howard dahil sa kakayahan nito sa depensa habang si Blatche ay may talent na pagkonektahin ang ilang mga manlalaro.

Magkakaroon din ng malaking tulong sa depensa si dating Oklahoma City Thunder Roberson habang si Moore ay siyang mainstay player na ng koponan.

Ilan sa mga isinasapinal na nila sa koponan ay makuha si De La Salle University stars Kevin Quiambao at Francis Escandor.