-- Advertisements --

Nagsalita na ang Blackpink member na si Jennie Kim kung bakit malumanay ito sa kanilang mga pagsasayaw.

Ito ay matapos na batikusin siya ng mga K-pop fans na sinasabing tamad at hindi marunong sumabay sa pagsasayaw.

Sinabi nito na lagi siyang nakakaranas ng pananakit ng katawan noong mga nagdaang araw kaya hirap itong makagalaw.

Dahil sa nasabing pananakit ay hindi niya makontrol ang paggalaw ng kaniyang katawan.

Nakukuha niya ang nasabing pananakit ng katawan sa kaniyang pagsasayaw din na lagi niya nasasaktan ang katawan nito.

Mula pa aniya noong 2020 ay nakaranas na siya ng pananakit ng katawan.

Hindi rin aniya ito komportable sa pagsasayaw habang nakasuot ng high heels kaya isa rin itong rason kung bakit ito hindi nakakasabay sa grupo.

Sa mga nagdaan concert nila ay mas ginusto niyang magsuot ng mga komportableng sapatos para ito ay malayang makagalaw.