Pinag-aaralan pa raw ng Commisison on Elections (Comelec) kung ipapa-blacklist ang service provider tuwing halalan na Smartmatic matapos ang mga naitalang aberya noong nakaraang halalan.
Ayon kay Comelec spokesperson Dir. James Jimenez, patuloy pa rin ang ginagawang forensic investigation ng ahensya kaugnay ng pag-malfunction ng halos 1,000 vote counting machines (VCM).
Bukod dito nasa 1,600 secured digital (SD) cards ang hindi gumana sa mismong araw ng halalan.
Ani Jimenez, kailangan pang mapagkasunduan sa pagtatapos ng imbestigasyon kung ano ang pananagutan ng Smartmatic sa issue.
“We are still doing forensic investigation. We have to settle where the liability (of Smartmatic) lies.”
Naniniwala ang poll body na nagkaroon ng problema sa synchronization noong eleksyon dahil magkakaiba ang suppliers ng mga ginamit na SD cards, balota at marker.
Batay sa datos ng Comelec, nasa 85,000 VCM ang ginamit noong May 2019 elections.