Nakatakda raw isagawa ng Quiapo churh ang procession of the Black Nazarene sa Good Friday, April 15.
Ayon kay Quiapo Church parochial vicar Fr. Douglas Badong, isasagawa ito sa pamamagitan ng isang motorcade na at susundan ang ruta ng Traslacion.
Lalabas daw ang Nazareno sa Biyernes Santo at hindi ito hihilahin o maglulubid.
Hindi rin daw ito sasampahan ng mga hijos o ng mga deboto.
Humingi pa rin naman nang pang-unawa si Badong sa mga deboto pa pupunta sa Biyernes dahil may pandemic pa rin sa bansa.
Ang tradisyunal na Traslacion ng mga deboto ay sisimulan sa pamamagita nng tradisyunal na prosisyon ng Black Nazarene mula Quirino Grandstand pabalik ng Quiapo Church.
Dakong alas-12:00 ng hatinggabi ang alis sa Quiapo Church.
Sinabi ni Father Badong na ang lahat ng mga sasama sa motorcade ay dapat naka-face mask at dini-discourage daw nila ang mga naka-paa.
Kung maalala, ngayong taon ay kinansela ang tradisyunal na traslacion sa ikalawang sunod na taon dahil sa pandemic.
Pero karamihan naman daw sa mga aktibidad para sa Holy Week ay naibalik na at ang mga ito ay natigil din ng dalawang taon.
Kabilang na rito ang Senakulo ng mga kabataan.
Pero sa kabila ng Alert Level 1 na nakataas ngayon sa National Capital Region (NCR) ay hindi pa rin naman daw ipinatutupad ng Quiapo Church ang 100 percent capacity.
Ang pag-obserba sa \Holy Week ay nagsimula na kahapon, Abril 10, Palm Sunday at magtatapos sa Easter Sunday, April 17.