KORONADAL CITY – Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nagyaring insidente ng pagbigti-patay ng isang biyuda sa bayan ng Tboli, South Cotabato.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay P/Maj. Bernie Faldas, hepe ng Tboli PNP, kinilala ang biktima na si Rosita Atam, 43, residente ng Prk. Lugan 3, Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.
Ayon kay Faldas, nakitan na lamang na nakabitin sa grills ng bintana ang biktima at wala nang buhay ng madatnan ng kanyang kamag-anak.
Base umano sa anak ng biktima, nagpadala na ng text messages ang kanilng ina na tila nagpapaalam.
Sa ngayon, isa sa mga tinitingnan na motibo ng PNP sa pagpapatiwakal ng bitkima ay ang labis na depression.
Kung maalala, nang nakaraan araw 1 babaye na 21-nayos ang nagbigiti din sa lungsod ng Koronadal.