Naniniwala ang isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na posibleng magkaroon ng rollback sa produkto ng langis matapos ang biyahe ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Saudi Arabia.
Ayon kay DFA Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa ngayon kanilang tinitignan ang posibleng kooperasyon sa suplay ng mga oil products.
Dagdag pa ni Espiritu, kung ang dalawang organisasyon ay maaring magkasundo, tiyak ang patuloy at reliable supply ng langis sa kabila ng mga pagbabago sa energy economics at geopolitical instabilities.
Mahalaga na magkaroon ng consistent volume of supply ng mga produktong petrolyo sa ASEAN.
Dagdag pa ni Espiritu, mahalaga ang GCC dahil binubuo ito ng highly developed Arab economies at ang mga nasabing bansa ay mga petrochemical powerhouses.
Aniya, makakatulong ito sa pagtugon sa problema sa enerhiya at food security.