-- Advertisements --

Lumiit na ang tyansa na mag-iwan pa ng mas malalang pinsala ang typhoon Bising, kahit nananatili pa rin ito sa Philippine territory.

Ayon sa Pagasa, nabawasan na ang sirkulasyon ng bagyo dahil sa bahagyang paghina nito.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 350 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 150 kph at may gustiness na 185 kph.

Sa ngayon pahilaga na ang pagkilos nito sa bilis na 10 kph.

Umiiral na lamang ang signal number one (1) sa Batanes, eastern portion ng Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands at northeastern portion ng Isabela.