-- Advertisements --

Lalo pang humina ang taglay na hangin ng typhoon Bising.

Ayon sa Pagasa, taglay na lamang ng bagyo ang maximum sustained winds na 165 kph at may gustiness na 205 kph.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 345 km sa silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 345 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 15 kph.

Signal no. 1:

Batanes, eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Camalaniugan, Buguey, Aparri, Santa Teresita, Alcala, Amulung, Iguig, Tuguegarao City) kasama na ang Babuyan Islands, eastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Tumauini, Cabagan, Palanan, Dinapigue, San Guillermo, Benito Soliven, San Mariano, Ilagan, Gamu, Naguilian)