Mariing kinondena ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang nagpapatuloy pa ring extrajudicial killings sa bansa.
Partikular na tinukoy ni Pabillo ang pagpaslang kamakaylan sa mga human rights activists at anim katao sa isang “fabricated” na anti-drug operation sa Bulacan.
Sa kanyang homily sa San Fernando de Dilao Parish (Paco Church), muling ipinaalala ni Pabillo ang mga turo ni Pope Francis hinggil sa paggalang sa buhay ng isang tao.
Muling binigyan diin din nito ang pagtutol ng Simbahang Katolika sa anti-terror law at pagpapasara sa ABS-CBN, na aniya’y pamamaraan para tanggalan ng karapatan ang publiko.
Mababatid na kamakailan lang ay pinaslang ang mga human rights activists na sina Randy Echanis at Zara Alvarez.
Bukod dito, anim na kalalakihan ang pinatay din matapos akusahan nang pagpupuslit ng iligal na droga sa San Jose Del Monte City, Bulacan.