Nilinaw ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBPC) na inihahayag lamang ni Bishop Broderick Pabillo ang kanyang religious right at hindi kinukontra ang patakaran ng pamahalaan nang inatasan nito ang Archdiocese of Manila na ituloy ang pagdaos ng religious services pero nasa 10 percent lamang ng capacity ng mga simbahan simula Marso 24.
Ayon kay CBCP Public Affairs Committee executive secretary Fr. Jerome Secillano, hindi naman hinihikayat ni Pabillo ang publiko na magtungo sa Simbahan sa gitna ng umiiral na mahigpit na quarantine restrictions sa loob ng NCR Plus bubble.
Iginiit ni Secillano na inihahayag lamang ni Pabillo ang kanyang religious right na nakikita nito na maaring kailanganin ng publiko ang spiritual activities at spiritual sustenance sa Holy Week.
Dagdag pa nito, bukas at handa silang tanggapin ang mga tao sa Simbahan pero hindi naman nila hinihikayat ang mga ito na gawin talaga ito dahil na rin sa peligrong dala ng COVID-19.
Sinabi ni Secillano na tuloy pa rin ang kanilang liturgies sa Holy Week, kaya posible talagang payagan nilang makapasok ang mga tao sa Simbahan kapag naisin ng mga ito.
Gayunman, hahanap din aniya sila ng paraan para makapaglagay ng mga monitors sa labas ng Simabahan para maari pa ring dumalo ang mga tao sa mga Misa sa Holy Week nang hindi naman nalalabag ang quarantine protocols