Hindi papahintulutan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na makabalik sa kanilang operasyon ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) firms hanggang sa hindi nababayaran ng mga ito ng buo ang kanilang tax liabilities.
Ayon kay BIR deputy commissioner Arnel Guballa, hindi pa nakakabalik sa kanilang operasyon ang mAyon kay BIR deputy commissioner Arnel Guballa, hindi pa nakakabalik sa kanilang operasyon ang ni isa sa mga registered POGO.
Ito ay matapos na ipag-utos Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR) sa POGOs na bayaran ang kanilang tax dues bago payagan sa kanilang resumption sa ilalim ng community quarantine.
Nauna nang sinabi ng PAGCOR na ang mga POGOs, na karamihan sa mga empleyado ay pawang mga Chinese nationals, ay kailangan na magbayad ng kanilang tax obligations ng hanggang Marso 2020, bayaran ang sahod ng 31,600 Pilipino na manggagawa sa kasagsagan ng lockdown at “guarantee fee” sa pamahalaan bago sila payagan na makapagbukas uli.
Sa ngayon, hindi nagkakasundo ang BIR at mga abogado ng POGOs sa issue ng franchise tax, o ang sinisingil na 5 percent mula sa kanilang gaming revenues.
Iginigiit kasi ng POGOs na ang kanilang mga kliyente ay hindi naman nakabase sa Pilipinas kundo nasa abroad.
Ayon kay Guballa, lilinawin nila sa Department of Justice ang issue na ito.
Sa ngayon, ilang mga mambabatas ang nagsusulong na maimbestigahan ang operasyon ng POGOs dahil sa umano’y mga paglabag sa labor at tax issues, gayundin sa krimen na kinasasangkutan ng mga empleyado ng mga ito.