-- Advertisements --
Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga negosyante na kanilang i-display ang “Notice to Issue Receipt/Invoice o NIRI”.
Ayon kay Commissioner Romeo Lumagui Jr., simula noong Hulyo ay pinalitan na ng NIRI ang “Ask for Receipt ” Notice o ARN na unang iniisyu ng mga Revenue District Offices / Large Taxpayers Division sa kanilang mga registered business taxpayers.
Lahat aniya ng mga negosyante ay obligado maging ang mga online sellers ay kabilang na dapat ay magdisplay ng NIRI.
Binalaan nito ang mga hindi susunod sa kautusan na mahaharap sila sa karampatang kaparusahan.