-- Advertisements --

Pinayagan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayers na gamitin ang online platform nito sa filing of taxes sa gitna ng April 17 na deadline sa paghahain ng Income Tax Returns (ITR).

Ayon kay Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang electronic filing and payment system (eFPS) nito ay idinisenyo upang tanggapin ang eBIRForms.

Aniya, tumatanggap ang mga channel na ito ng mga pagbabayad ng buwis sa paggamit ng online na credit, debit, prepaid card, at mga mobile payments.

Sinabi niya na ang mga electronic tax payments sa pamamagitan ng eBIRFforms ay maaaring ipadala sa mga awtorisadong ahenteng bangko kung saan nakatala ang mga taxpayers, mga opisyal ng koleksyon na naka-post sa bawat opisina ng distrito, o sa pamamagitan ng mga electronic payment na mga channel ng kawanihan.

Una rito, ang bawat gateway ng pagbabayad ay may mga instructional videos para sa mga taxpayers na magbabayad online.