-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakapag-isyu na sila ng mahigit na 100,000 na mga digital tax identification number (TIN) ID’s.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na marami kasi ang mga Filipino ang nagpasya na kumuha ng digital TIN kaysa pumila sa mga iba’t-ibang district offices ng BIR.

Madali ring malaman kung tunay o peke ang digital ID sa pamamagitan ng pag-validate sa Online Registration and Update System (ORUS) sa pamamagitn ng pag-scan ng QR code sa ID.

Ang mga taxpayers naman na nakakuha na ng TIN ay maari pa ring mag-apply ng digital versioin nito.

Muling nilinaw ng opisyal na ito ay libre at hindi ibinebenta.