Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayers na mayroon silang hanggang Martes, Abril 25, para maghain at magbayad ng quarterly value-added tax (VAT).
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. na hindi na palalawigin ang deadline at ipapataw ang kaukulang parusa para sa late filing at non-filing.
Ang mga indibidwal at corporate na nagbabayad ng buwis na may anumang anyo ng negosyo at aktwal na kabuuang benta, o mga resibong lampas sa P3 milyon ay kinakailangang mag-file at magbayad ng VAT.
Noong nakaraang taon, ang VAT taxpayers lamang ay nag-ambag ng 20 porsiyento, o humigit-kumulang P463 billion sa kabuuang koleksyon ng BIR.
Ayon kay Lumagui, mahalagang sumunod sa obligasyon na mag-file at magbayad nito, dahil susubaybayan ng kawanihan nang mabuti ang pagsunod.
Una na rito, hiniling ni Lumagui sa mga taxpayers na magsumite ng VAT return nang maayos at nagbabala sa anumang pagtatangka na umiwas sa mga buwis sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng resibo at invoice.