-- Advertisements --
Bilang paghahanda sa digitalization ay magdadagdag ng mga tao ang Bureau of Internal Revenue.
Ayon kay Commissioner Lilia Guillermo, na naghahanap sila ngayon ng data scientista at cybersecurity experts.
Sinabi nito na kahit mayroon ng digitalize ang ibang serbisyon ng BIR ay mababa pa rin ang bilang ng mga gumagamit ng electronic invoicing pilot program.
Isa ring bahagi ng “rightsizing” na ginagawa ngayon ng BIR ang paghahanap ng mga tamang personnel para sa kanilang digitalizaton program.
Magugunitang target ng BIR na sa taong 2030 ay magiging digital na ang lahat ng mga transaction sa BIR.