Iniulat ng Bureau of Internal Revenue ang pagkakasamsam nito ng mahigit P604.3 million na halaga ng mga paninda sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Una kasi rito ay nagsagawa ang BIR ng pagsalakay at pagbisita sa ibat ibang mga establishimiento sa bansa kung saan umabot sa mahigit 400 establishimiyento ang napuntahan ng kanilang team sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre.
Ang mga naturang pagsalakay ay pinangunahan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Nagresulta ito sa pagkakasamsam ng mga pabango, beauty products, at iba pang mga produkto.
Ang may-ari ng mga naturang produkto ay pawang nakitaan ng kapabayaan na pagbabayad sa kani-kanilang excise tax o paglabag sa excise tax regulation.
Tiniyak naman ng BIR na ipagpapatuloy ang pagdalaw at pagbabantay sa mga establishimiyento, upang masigurong walang nakakalusot sa kanilang mga obligasyon sa pamahalaan.