-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Central Luzon na nalagpasan nito ng 16.9 percent ang kanilang target collection goal para sa taong 2020.

Batay sa record, 11 distrito ang may pinagsamang revenue collection na aabot ng P29.4 billion kumpara sa target nito na P25.3 billion.

Subalit mas mababa pa rin daw ito ng 10.5 percent sa koleksyon noong nakaraang taon na pumalo ng halos P32.9 billion.

Nakapagtala rin ang BIR ng 22.98 growth rate reflected mula sa target goal vis-a-vis nito noong 2019.

Ayon sa BIR, ang magandang collection performance nito ay dahil sa pagpapatupad ng ahensya ng strict tax enforcement activities, voluntary compliance, tax campaign, at simplified processes.

Noong nakaraang taon ay nagsampa ito ng 16 na tax cases sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) program, kung saan pito sa mga kinasuhan ay lumabag umano sa Sec. 263 ng Tax Code.