-- Advertisements --
Pinasalamatan ng Pinay girl group na BINI ang mga fans nila sa buong mundo na sumusuporta sa BINIverse world tour.
Sa kanilang social media account ay nagbahagi sila ng video ng mga fans nila sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Makikita ang kasabikan ng mga fans na mapanood ang grupo.
Nakatakdang magsagawa ng mga show ang grupo sa United Arab Emirates, United Kingdom, US at Canada.
Magugunitang nagsimula ang kanilang BINIverse concert sa Philippine Arena noong Pebrero.
Ang grupo ay binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena kung saan pinasikat nila ang mga kantang “Salamin”, “Pantropiko” at maraming iba pa.