-- Advertisements --

Inilunsad ng OPM girl group na BINI ang kanilang sariling website.

Nitong Lunes ay pormal ng inilunsad ng grupo ang BINI.Global.

Bukod sa mga detalye ng bawat miyembro ay makikita ng mga fans ang mga exclusive contents gaya ng mga larawan at mga videos.

Kasama rin na makikita sa nasabing websites ang mga petsa ng kanilang mga events.

Taong 2021 ng inilabas ng grupo ang kanilang kanta na “Born to Win” at ang mga kantang “Huwag Muna Tayong Umuwi”, “Lagi”, “Na, Na, Na”, at maraming iba pa.

Binubuo ang grupo nina : Mikha, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Jhoanna at Sheena.