-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang girl group na BINI sa kanilang mga fan, kaibigan at kaanak.

Kasunod ito pagkalat ng video na kinasasangkutan ng ilang miyembro nila.

Ang nasabing video ay umani ng iba’t-ibang reaksyon sa mga fans kung saan makikita ang tila hindi magandang sexual joke.

Dagdag pa ng grupo na labis silang nagsisi at patuloy silang magbabago.

Ang grupo ay binubuo nina Maloi, Jhoanna, Stacey, Colet, Aiah, Mikha, Sheena, at Gwen kung saan pinasikat nila ang mga kantang “Pantropiko” , “Salamin, Salamin” at maraming iba pa.