-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si BIN member Jhoanna Robles matapos na umani siya ng batikos sa ginawa nitong movie review ng “Sunshine”.

Ang nasabing pelikula na pinagbibidahan ni Maris Racal ay tumatalakay tungkol sa abortion, safe sex, at reproductive health sa bansa.

Dumalo kasi si Robles sa screening ng nasabing pelikula kung saan pinuri niya ito subalit parang sinuportahan ang mga maling gawain gaya ng abortion.

Sa social media account nito ay inamin niya na tila hindi naintindihan ang mensahe na nais niyang iparating.