NAGA CITY – Sugatan ang isang menor de edad matapos na makabangga ang minamanehong motorsiklo sa isang minivan sa Brgy. Pinit, Ocampo, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na isang 17-anyos na lalaki at residente ng Brgy San Vicente, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagyu-U-turn ang minivan na minamaneho ni Ruben Degara, 52-anyos, ng bumangga dito ang motorsiklo na minamaneho naman ng menor de edad na nag-overtake sa kanang bahagi ng kalsada.
Dahil dito, nahulog sa kanyang motorsiklo ang biktima na naging dahilan upang magtamo ito ng sugat na agad namang dinala sa pagumutan upang malapatan ng lunas.
Samantala, kapwa naman nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan matapos ang insidente.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.