-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay na nang matagpuan ang isang 13-anyos na batang lalaki sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jonas Navasquez na taga Poblacion, Mlang Cotabato.

Ayon kay Mlang PNP Chief Lt. Col. Realan Mamon na duguan na natagpuan ang biktima at nagtamo ng matinding sugat sa ulo.

Hinampas ng matigas na bagay ang ulo ng biktima dahilan ng pagkasawi nito.

Sa ngayon ay may sinusundan ng mga person of interest ang Mlang PNP sa pagkasawi ng binatilyo.

-- Advertisement --