-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Natagpuan na ngayong araw ang labi ng binatang nalunod sa main irrigation canal sa barangay Victoria, San Mateo kahapon.

Ang biktima ay si Jeffrey Pascua, 24 anyos apat na taong gulang, binata at residente ng Linglingay, Alicia, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni June Pascua na ang kanyang kapatid ay niyaya ng kanyang mga kaibigan na magtungo sa Barangay Victoria at nakatuwaang lumangoy sa irigasyon.

Marunong naman anyang lumangoy ang kanyang kapatid subalit sa pangatlo nitong paglangoy sa irrigation canal ay tuluyan na siyang tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Tinangka nilang isalba ang biktima ngunit hindi nila natagpuan ang biktima at kahapon lamang nakita ang bangkay nito.

Pinag-iingat naman ang mga residente at pinayuhang iwasang lumangoy sa mga irrigation canal dahil panahon ngayon ng sakahan kaya mataas ang antas ng tubig sa mga irigasyon.