-- Advertisements --
Nabili ng isang bilyonarong trans woman sa Thailand ang franchise ng Miss Universe.
Sa social media post ni Anne Jakrajutatip ay kinumpirma nito ang pagbili nito ng Miss Universe.
Nagpost ito ng larawan ng kalawakan at may caption na pag-aari na niya ng 100 porsyento ang universe.
Nauna rito ay inanunsiyo ng dating may-ari niton na si Ari Emanuel ng Endeavor na kaniyang ibinebenta ang Miss Universe sa halagang $20 milyon.