-- Advertisements --

Itinuturing ng India na isang malaking kawalan sa kanilang ekonomiya ang pagpanaw ni bilyonaryong si Cyrus Mistry.

Nasawi ang 54-anyos na dating chairman ng kumpanyang Tata sa isang aksidente habang lulan ng kaniyang sasakyan sa Mumbai.

Namatay din sa aksidente ang isang kasamahan nila habang sugatan ang iba pa na kasama nito sa sasakyan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, tumama ang sasakayn ni Mistry sa isang road divider sa Palghar district of Maharashtra habang papatawid ng tulay.

Noong 2016 ng pinatalsik si Mistry sa kumpanya dahil umano sa mahina nitong performance.

Ang kumpanya ay nag-ooperate sa mahigit 100 bansa kung saan isla ang nagbebenta ng mga bagay gaya ng asin, bakal at mga softwares kung saan noong nakaraang taon ay mayroon silang kita na $130 bilyon.