-- Advertisements --

Inihayag ng Malacañang na pinagtitibay ng desisyon ng Commission on Audit (COA) ang disallowance sa Php 73M confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) noong 2022, na nagpapakita ng patuloy na pagsulong ng pananagutan sa paggamit ng pondo ng pamahalan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinasinungalingan ng COA ang pahayag na maayos at transparent na nagamit ang nasabing pondo ng opisina ni VP Sara Duterte. Aniya, mahalaga ang mabilis na aksyon ng mga ahensya tulad ng COA at Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang matiyak ang pananagutan ng sinumang mapatunayang may sala.

Batay sa ulat, kabilang sa inissuehan ng notice of disallowance ay ang Php 69.787 M para sa rewards at Php 3.5M para sa pagbili ng kagamitan. Inaatasan din ang OVP na isauli ang naturang halaga sa pamahalaan.