Tiniyak ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na igigiit niya ang pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea habang nagpapatuloy ang bilateral contact sa China.
Aniya, ang 2016 arbitral ruling na nagpawalang-bisa sa malawakang pag-angkin ng China sa South China Sea ay gagamitin “upang patuloy na igiit ang ating mga karapatan sa teritoryo.”
Nauna nang sinabi ni Marcos na ang Manila ay hindi maaaring mag-avail ng arbitration o digmaan para makakuha o mawalan ng teritoryo.
Sinabi niya na ang arbitration ay hindi umubra para sa Maynila dahil hindi payag ang Beijing na sumunod sa desisyon.
Sinabi ni Marcos na sinabi niya kay Chinese President Xi Jinping sa isang tawag sa telepono na ang kanyang administrasyon ay “patuloy na ituloy ang bilateral na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa China.”