CAGAYAN DE ORO CITY – Depresyon ang tinitingnang dahilan sa pagpapakamatay ng isang bilanggo sa Velez St. Cagayan de Oro City.

Tumalon sa hagdanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-10 ang biktima na si Regie Reyes na taga-Bohol.

Sinabi ni Misamis Oriental Provincial Jail Asst. Warden Pol. Capt. Maricris Mulat, na bigla lamang tumalon ang biktima matapos itong maisailalim sa drug test.

Si Reyes ay mayroong kinakaharap na kasong murder at limang taon nang nakakulong sa Provincial Jail.