-- Advertisements --
Binigyang linaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nananatiling mababa pa rin ang bilang ng mga walang trabaho noong Enero 2023 kumpaara noong Enero 2022.
Nitong Enero 2023 lamang kasi ay mayroong 4.8 percent ang pagtaas ng walang trabaho mula sa dating 4.3 percent noong Disyembre.
Katumbas ito ng 2.37 milyon na mga manggagawang Pinoy ang walang trabaho.
Kung ikukumpara naman noong Enero 2022 ay mas mababa ito dahil mayroong 6.4 percent ang pagtaas nito o katumbas ng 2.95 milyon na mga walang trabaho.
Pinakamalaking bilang naitala ay ang constructions ng gusali na kada quarter ay bumababa ng 415,000 na sinundan ng building finishing at electrical insulation.