-- Advertisements --

Inirekominda ng House Defeat COVID-19 na palawakin ang Social Amelioration Program para sa buwan ng Mayo.

Sa kanilang virtual meeting, inirekominda ni Sub-committee on Social Amelioration co-chairman Lucy Torres-Gomez na gawing 20 million na ang target beneficiaries ng SAP mula sa kasalukuyang 18 million lamang sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon kay Gomez, dapat na ikonsidera ang “newly poor” na napapabilang sa 9 million low-income families at 6.4 million lower middle income families.

Sinabi ni Gomez na ang P100 billion allocation para sa buwan ng Mayo ay maaring hatiin sa 20 million beneficiaries.

Nangangahulugan lamang ito na magiging uniform na para sa lahat ng beneficiaries ang halaga na makukuha mula sa SAP.

Aniya, P5,000 na ang matatanggap ng lahat ng benepisyaro.

Magugunita na noong Abril P5,000 hanggang P8,000 ang natanggap ng SAP beneficiaries dipende sa regional wage rates.

Inirekominda rin ni Gomez na pasimplehin ang proseso para mapasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng SAP.