-- Advertisements --

Tumaas ng 25% ang naitatalang sunog sa Pilipinas, kumpara sa fire incidents noong kaparehong perion ng taong 2023.
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) spokesperson Analee Carbajal-Atienza, nakapag-record na sila ng 3,441 simula noong Enero hanggang kahapon.
Higit na mataas ito kung ihahambing sa 2,574 noong nakalipas na taon.
Karamihan sa mga sanhi ng sunog ang upos ng sigarilyo, naiwang appliances, naiwang may sinding kandila at pati na ang environmental causes.
Maliban kasi sa mga sunog sa residential area, maraming grass at forest fire na rin ang nairehistro sa ilang lugar sa ating bansa.