Iniulat ng National Telecommunications Commission (NTC) na naobserbahang nabawasan ang text scam-related complaints na nakikitang resulta mula ng naisabatas na at naipatupad ang SIM registration act.
Ayon kay NTC Legal Branch officer-in-charge Atty. Andres Castelar Jr. na agad na nakita ng komisyon na simula ng naipasa bilang batas ang SIM Registration ay mabilis na umaba sa 100 na reklamo kada araw ang kanilang natatanggap mula sa dating 1,500 complaints.
Base sa huling data noong Marso 9, 2023 nakapagtala ang mobile telecommunications service providers ng 42.7 million matagumpay na nakapagparehistro ng SIM cards.
Ito ay katumbas ng 25.24% ng kabuuang 168 million active subscribers sa buong bansa.
Samantala, pinaplano naman ng Department of Information and Communications Technology na palawigin pa ang deadline ng SIM registration nang lagpas sa Abril 26 dahil sa ilang subscribers na hindi pa nakapagpatala isang buwan bago ang deadline.