-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umabot na sa siyam na mga Patients Under Investigation (PUIs) ang naitala sa Davao Region matapos makitaan ng sintomas ng 2019 novel coronavirus acute resipiratory disease (2019 nCoV-ARD),

Pasahero mula Hongkong ang huling nadagdag sa bilang ng mga indibidwal na isinailalim ngayon sa isolation facility sa isang hospital sa lungsod.

Ayon kay Dr. Wilson Lim ng Bureau of Quarantine (BoQ), dumating sa Davao ang nasabing indibidwal mula Hongkong nitong nakaraang araw.

Aniya, nakaranas ang mga ito ng lagnat at ubo, na kabilang sa mga sintomas ng 2019 nCoV-ARD kaya agad na dinala sa isolation room ng hospital para ma-monitor.

Samantalang sinabi naman ng Department of Health (DOH) Region 11 na magsasagawa sila ng training sa iba’t-ibang hospital sa lungsod patungkol sa outbreak ng sakit.