Sumampa na sa kabuuang 270, 206 katao o katumbas n 70,862 pamilya ang apektado ng masamang lagay ng panahon bunsod ng shear line sa Davao region base sa datos ngayong Biyernes ng Office of the Civil Defense (OCD).
Umaabot na rin sa 36,000 indibidwal ang na-displace mula sa kanilang mga tahanan kung saan 14,921 katao o 4,217 pamilya ang inilikas sa mga evacuation centers habang nasa 21,870 katao ang nanunuluyan pansamantala sa kanilang kamag-anak o kaibigan.
Sa kasamaang palad naman nadagdagan pa tumaas na sa 10 ang nasawi matapos marekober ang bangkay ng 3 pang biktima sa landslide sa Monkayo, Davao de Oro habang 2 katao ang sugatan.
Mayroon ding napaulat na isang bahay na napinsala at nakaranas ng power interruptions sa 5 lugar sa rehiyon.
Samantala, nakapamahagi na ang pamahalaan ng mahigit P6.4 million na halaga ng tulong para sa biktima ng masamang lagay ng panahon.