-- Advertisements --

Pumapalo sa 95 batang Filipino ang namamatay kada araw dahil sa isyu ng malnutrisyon.
Ito ang nilalaman ng ulat ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), batay sa pagsusuri sa kalagayan ng nasabing sektor.
Ayon sa UNICEF, 27 sa bawat 1,000 batang Pilipino ang binabawian ng buhay bago ang kanilang ika-15 taong gulang.
Dagdagpa rito, tatlo sa mga batang Filipino ang mas mababa para sa kanilang edad.
Kaya naman, puspusan ang pagtugon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bagay na ito, sa tulong ng Department of Health (DoH) at Department of Interior and Local Government (DILG).