-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umakyat pa sa 147 ang kumpirmadong kaso ng diarrhea outbreak sa 19 na mga apektadong barangay sa Toril District dito sa lungsod ng Davao.

Kung saan, isang sampung taong gulang na batang lalaki ang kumpirmadong patay dahil sa severe diarrhea na nauwi sa severe dehydration.

Samtang bumaba pa ang edad ng mga nabiktima dahil base sa datos na natala, nasa 3 months old na baby din ang nagka-diarrhea.

Nilinaw ni Davao City Health Office Head Dr. Ashley Lopez na wala pang analysis sa test result mula sa sample ng tubig, pagkain at rectal swab na ipina-laboratoryo sa CHO.

May lumabas umano na result ng water sample pero partial pa umano niini.

Maliban sa nagpapatuloy na monitoring sa CHO, inihanda din nila ang tulong para sa mga biktima ng diarrhea lalo na sa namatay na sampung taong gulang na batang lalaki.

Sa ngayon, nagpahigayon din ng independent water test ang CHO kasama ang Department of Health upang madetermina ang dahilan ng Outbreak.

Kung maalala, una ng inanunsyo ng Davao City Water District na nakompleto na ang kanilang water sampling and testing na ginawa sa sampung water station sa Puan, Bago Gallera, Baliok, Baho Aplaya, at Toril Areas kung saan natala ang maraming biktima ng diarrhea.

Base sa resulta, sinabi ng DCWD na nag negatibo sa E Coli at coliform ang kanilang tubig.

Sa ngayon inaalam pa kung food borne disease o waterborne disease ang sanhi ng outbreak.