-- Advertisements --

Lumobo pa ang bilang ng unemployed Filipino workers ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa inilabas na data ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.8 million ng work force ng bansa ang napabilang na sa mga nawalan ng trabaho, hanggang noong Oktubre 2020.

Mas mataas ito ng 1.8 million kung ihahambing sa record noong nakalipas na taon.

Dumami naman ang mga nagkaroon ng trabaho ngayong panahon ng pandemic, ngunit ang masaklap ay nasa hanay sila ng underemployed.

Ibig sabihin, mas mababa ang kanilang sinasahod kumpara sa karaniwang panahon.

Katulad ng mga degree holders na pansamantalang nagbukas ng maliit na negosyo o kaya naging taga-deliver muna ng ilang produkto.

May iba namang nagtatrabaho ng higit sa dating haba ng oras, upang mapunan ang mga tungkulin ng ilang kasamahan na natanggal, na-quarantine dahil sa sakit o sintomas nito, pati na ang nakasama sa localized lockdown.

Maging sa hanay ng mga youth workers ay dumami rin ang nawalan ng hanap-buhay.