Inaasahang papalo sa 1.5 million ang magiging bilang ng mga Ukrainian refugees ngayong araw ng Linggo, 11 araw matapos na lusubin ng Russia ang Ukraine.
Ito ay matapos na hindi naging matagumpay ang ceasefire kahapon sa pagitan ng Moscow at Kyiv, na inaasahan sanang makakatulong sa paglikas ng mga sipilyan mula Mariupol at Volnovakha, dalawang lungsod na napasok na rin ng Russian forces.
Nabatid na nakatakdang ipagpatuloy ang pag-uusap sa pagitan ng dalawang bansa bukas, Lunes, pero hindi pa natitiyak kung dadalo rito ang Moscow.
Nauna nang iginiit ni Russian President Vladimir Putin na hangad sana niya na maging neutral lamang ang Ukraine, na sa mga nakalipas na taon ay naging “demilitarized” at “denazified”.
Kung maaalala, kasunod nang paglusob ng Russia sa Ukraine noong Pebrero 24, kaagad na nagpataw ng mga sanction ang iba’t ibang bansa, dahilan para bumagsak nang paunti-unti ang ekonomiya ng Moscow.