Kalibo Aklan –Pumalo sa halos 4,000 hanggang 6,000 ang bilang ng mga turistang bumibisita sa Isla it Boracay bawat araw ngayong Semana Santa .
Ayon kay Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos, karamihan sa mga domestic tourists ay nagmula sa National Capital Region at Western Visayas samantalang mayoriya naman ng foreign tourists ay galing sa USA at Europa.
Aniya, sa ngayon ay bihira pa ang mga turista mula sa dating top market na China, Hong Kong, South Korea at Macau dahil sa travel restrictions matapos ang muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Sa datos it Malay Tourism Office, maliban sa European tourists, ang ibang mga foreign nationals na pumupunta sa Boracay ay mula sa Asia, Middle East at Amerika.
Itinuturing din aniya na may malaking ambag sa pagbangon ng ekonomiya ang mga European tourists dahil kilala ang mga ito na malaki kung gumastos.
Samantala, bumalik na rin sa dating sigla ang ekonomiya at turismo sa Isla dahil sa pagbukas ng mga commercial establishments maliban pa sa disco bar.
Nagyong Huwebes Santo, masobra sa 90% ng mga pasaherong bumuhos sa Ninoy Aquino International Airport o 30 na mga flight ay papunta sa Boracay.