Kabuuang 124,717 OFWs (Overseas Filipino Workers) na ang umuwi ng Pilipinas hanggang kahapon, Agosto 8 (08-08-2020), sa gitna ng coronavirus pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ay matapos na umuwi ng Pilipinas noong nakaraang linggo ang 8,924 OFWs.
Sa 124,717 Pinoy na sumailalim sa reapatriation, 39.8 percent o 49,655 ay pawang sea-based habang 60.2% o 75,062 ang land-based.
Samantala, sa mga umuwi noong nakaraang linggo, 3,600 ang nanggaling sa United Arab Emirates.
Lulan ang mga umuwing OFWs kamakailan ng 13 special commercial repatriation flights at isang DFA-chartered flight.
Kabuuang 2,349 seafarers din ang dumating sa bansa noong nakaraang linggo na mula naman sa Bangladesh, Italy, Spain, Japan, Singapore, Barbados, at Trinidad and Tobago.