-- Advertisements --

Umakyat sa 4 million noong Enero 2021 ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, base sa resulta ng latest Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na sa unang buwan ng 2021 ay pumalo sa 8.7 percent.

Ang bagong tala ay mas mataas ng 1.6 million kumpara sa 2.4 million unemployed na indibidwal na naitala noong Enero 2020, at bahagya ring mas mataas kumpara sa 3.8 million na naitala naman sa survey na isinagawa noong Oktubre ng nakaraang taon.

Samantala, nananatili sa 91.3 percent ang employment rate noong Enero 2021 o katumbas ng 41.2 million na employed individuals.

Bahagyang mas mataas ito sa 39.8 milliion employed na naitala noong Oktubre.