-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga Filipino ang umaasang magiging masaya ang pagdiriwang nila ng Pasko.
Ayon sa survey ng Social Weather Station na mayroong 73 % ang umaasang magiging masaya ang Pasko.
Mas mataas ito ng walong porsyento noong 2021 na mayroon lamang 65%.
Mayroong seven percent ng mga Filipino ang umaasang ang Pasko ay malungkot habang 19 percent ang nagsabing maaaring masaya at malungkot.
Isinagawa ang nationwide Social Weather Survey mula Disyembre 10 hanggang 14.
Ang nasabing survey ay 23 points na mas mataas sa record low na 50% noong 2020.
Mas mababa pa sa 6 points bago ang pre-pandemic level na 79% noong 2019.