Inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipino na magkakaroon ng trabaho sa bansa, kasabay ng pagtatapos ng taon.
Ito ay batay sa pagtaya ni Job Sector Lead – Private Sector Advisory Council at Go Negosyo Founder Joey Concepcion.
Ayon kay Concepcion, inaasahang sa papalapit na Pasko ay mas tataas pa ang bilang ng mga mangagawa na kukunin ng mga kumpanya o mga negosyo dahil sa pagtaas ng mga konsyumer.
Inaasahan kasi aniya na tataas ang paggastos ng mga consumer sa kabuuan ng holiday season, at dahil dito, tiyak na magiging abala ang mga kumpanya,
Malaking tulong din, ayon kay Concepcion, ang tuluyang pagbabalik ng sigla ng transportasyon at turismo, na tiyak ding makakapagbigay ng malaking kontribusyon sa pagbuhos o pagtungo ng mga turista sa ibat ibang lugar.
Maliban sa mas maraming mga trabaho, inaasahan ding lalo pang lalago ang mga maliliit na negosyo ng kapasakuhan.
Malaking tulong dito, ayon kay Concepcion ang malawakang pagbili ng mga regalo, pagkain, at iba pang produkto, kasama na ang maraming Pilipino na mas pinipiling kumain sa mga kainan kasama ang kanilang mga pamilya.