-- Advertisements --
SWS June 2022

Bumaba ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa Pilipinas ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Batay ito sa naging resulta ng isinagawang survey ng kagawaran mula noong June 26 hanggang June 29 para sa ikalawang bahagi ng taong 2022 kung saan umabot sa 1,500 ang bilang ng mga respondents na nakilahok dito.

Sa datos, lumalabas na nasa 11.6 percent lamang na mga pamilyang Pilipino, o may katumbas naman na 2.9 million na mga sambayanan ang nakararanasa na lamang ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

Mas mababa ito kung ikukumpara sa 12.2 percent o 3.1 million na mga pamilyang nagugutom na naitala noong April 2022, at 11.2 percent o tatlong milyong sambahayang naitalang nagugutom noong December 2021.

Ngunit paglilinaw ng SWS, sa kabila ng mga pagbabang ito na nakita sa pinakabagong figures na kanilang inilabas ay nananatili pa rin aniya itong mas mataas ng 2.3 points kumpara sa pre-pandemic period noong 2019 kung kailan nasa 9.3 percent lamang ang annual average na kanilang naitala.

Samantala, ipinaliwanag naman ng kagawaran na ang 11.6 percent hunger rate na kanilang naitala noong June 2022 ay ang kabuuan ng 9.4 percent o 2.4 million na mga pamilyang nakaranas ng “moderate hunger”, at 2.1 percent o 546,000 mga pamilyang nakaranas naman ng “severe hunger”.